Skip to content

98th GAIGOSAI
Ako sa Gitna ng Mundo

19/11/2020~23/11/2020

Message

Pagbati mula sa Chairman
ng Committee

Hello sa inyong lahat!

I am Miwako Ishibashi, chairman ng Gaigosai Committee.

Maraming Salamat sa inyong pagbisita sa aming homepage.

Ngayong taon, ang Gaigosai Festival ay gaganapin online.

Sigurado ako na maraming tao na nadismaya dahil naging online festival ito ngayong taon. Humihingi kami ng paumanhin.

Ang theme ng Gaigosai ngayong taon ay “Ako sa Gita ng Mundo”.

Dahil sa COVID-19, hindi lamang paglalakbay sa ibang bansa kundi pati na rin ang paglalakbay within the country ay hindi na natin nagawa. Hindi na rin tayong maaring basta-basta na lang lumabas at makipagkita sa mga kaibigan natin.

Kaya ngayong taon, nais naming kayong imbitahin dito sa online Gaigosai para magkaroon ng chance na makapaghalubilo sa iba’t ibang tao. Maglakbay tayo sa buong mundo gamit ang iyong mga computer o smartphones.

Maraming Salamat sa inyong suporta.

Hulyo 6, 2020

about

Ano ang GAIGOSAI?

Ang Gaigosai ay ang school festival sa Tokyo University of Foreign Studies at sa taong ito ay ipinagdiriwang naming ang ika-98 na beses nito. Ginaganap ito tuwing Nobyembre sa loob ng limang araw. Halos 31,000 katao ang bumubisita dito. Kapag pumunta ka dito, aakalanin mo na para kang naglalakbay sa buong mundo habang nasa Tokyo ka lamang.

Ngayong taon, ang Gaigosai ay gaganapin sa online. Maglakbay tayo sa buong mundo sa pamamgitan ng Gaigosai!

2017 MVP

Rewards na Napanalunan sa School Festival Grand Prix

31,109+

Bilang ng mga bisita
ng Gaigosai 2019

Twitter 5,300+
Facebook 5000+
Instagram 2000+

Followers sa Social Media

98years

Kasaysayan ng Gaigosai

EVENTS

EVENTS

Taun-taon sa Gaigosai, maraming events ang ginaganap sa buong campus.
Mangyaring tingnan ang mga resulta ng pang-araw-araw na Gawain namin sa unibersidad.
1

World Cuisine

Ang mga 1st year students ay magluluto ng mga pagkain ng iba’t ibang bansa. Maaring makita ang mga recipes nito sa Official Gaigosai Guidebook.

2

GOGEKI Theatre

Ang mga 2nd year students ay gagawa ng play gamit ang wikang banyaga na pinag-aaralan nila.

3

Events hosted by the Gaigosai Committee

Ang committee ay nagho-host ng mga events katulad ng free fitting nang mga traditional clothes, face painting, at iba pa. Ngayong taon, magbabalik muli ang “Special Guest Event”! Abangan!!!

4

Music & Performance

Maari ninyong mapanood ang mga performance ng mga school clubs at bands sa Official Youtube account ng Gaigosai. May mga traditional dance at mga comedy shows din!

Official mascot character
“TUF-KUJIRA”

Ito ay ang opisyal na mascot character ng GAIGOSAI.

Noong 2012, ginawa ito mula sa inspirasyon galing sa catch copy ng 90th Gaigogsai na “Lakbayin natin ang mundo kahit walang pasaporte”.

Noong 2016 sa 4th Japan Mascot Grand-Prix ng mga school festivals, ang TUF-KUJIRA ay nagwagi ng second place dito.

Availbale na rin ngayon ang mga TUF-KUJIRA Line stamps !